Kasaysayan mo may saysay sa'yo
ATING BALIKAN, MASAYANG NAKARAAN Sa pag-aaral ng kasaysayan ay marami tayong dapat isaalang-alang upang ang mga ito’y ating maisabuhay. Simulan natin sa tanong na: Paano mo maisusulong ang pag-aaral ng kasaysayan? Sa pag-aaral ng kasaysayan mahalaga muna nating malaman ang kahulugan nito. Ano nga ba kasaysayan, kadalasang sinasagot ay tungkol sa taon at petsa, mga pangalan ng mga tao at mga lugar, at mga pangyayari sa nakalipas. Ito naman ay tama, ngunit hindi naman ito nakatuon lamang sa ganitong usapin. Ano nga ba ang kahulugan ng kasaysayan? Ayon kay Dr. Zeus Salazar ang kasaysayan ay salaysay na may saysay para sa mga sinasalaysayang grupo. Dagdag pa n’ya, ang kasaysayan ay “saysay” na dalawa ang kahulugan. Una: Isang salaysay o kwento at Pangalawa: Kahulugan, katuturan, kabuluhan at kahalagahan. Dr. Zeus A. Salazar. Filipino Historian, anthropologist and philosopher of History. Sa paglipas ng panahon, ang kasaysay...